NOT SATIRE: An Open Letter To Jover Laurio, a.k.a. Pinoy Ako Blog

D93F4391-3E67-4D19-AED5-2ED607582BECDear Pinoy Ako Blog,

Why am I not surprised that you have come to the defense of PNoy and then Health Secretary Garin regarding the explosive issue of the unsafe Dengue vaccine?

In your post, you said:

“Yung sinasabi na ginawang “guinea pig” ni Pnoy ang mga bata, exaggeration po yun. Una, hindi naman si Pnoy ang may ari ng Sanofi, kasi sila po ang nagtetest ng gamot di ba? When it was released sa market, our government then believe(d) in good faith na ok siya.”

Tatagalugin ko na, para maintindihan mo:

Totoo, Sanofi ang may ari ng vaccine, pero hindi puwedeng i-market ang drogang ito na walang pahintulot ng gobyerno — gobyerno ni PNoy.

Kagaya rin ng bigas yan PAB: Hindi ka puwedeng magbenta ng bigas kung wala kang lisensiya mula sa NFA (National Food Authority). Kagaya rin ng restaurant yan: Hindi ka puwedeng magbukas ng restaurant kung wala kang lisensiya and kung hindi ka papasa sa mga health and safety standards ng gobyerno.

“Good Faith” kamo?

Aba, eh kung puro good faith na lang ang paraan ng pamamalakad ng gobyerno, malalason na lahat tayong mga Pilipino!

Ang vaccine at (legal) na droga ay hindi parang inihaw na pusit na binebenta sa mga kanto kanto.

Ito ay may malaking impact sa kalusugan at BUHAY ng mga mabibigyan nito.

Sa ibang bansa, aabutin ng hangang labin-lima or higit pa na taon bago ang isang droga ay maaprobahan ng gobyerno. At ito ay matapos lamang ng maiging pagsusuri sa iba’t-ibang phases ng clinical trials.

Good faith ba kamo na aprobahan ni PNoy ang Dengue vaccine kahit wala pang
rekomendasyon ng World Health Organization?

Ang tunay na good faith ay ang pagtiwala ng mga magulang ng mga batang nabigyan ng Dengue vaccine. Nagtiwala sila sa gobyerno ni PNoy na ang vaccine ay makakabuti sa kanilang mga anak. Yon pala, tinurukan ang mga bata ng maaaring ikamatay nila.

Huwag na muna nating pag-usapan ang bilyun-bilyong piso na sangkot sa vaccine na ito. Ibang istorya din yan.

Hindi ko alam kung may anak ka or mga batang pamangkin, PAB, pero masasabi mo ba sa mga magulang at kamag-anak ng mga batang naturukan ng Dengue vaccine na “Buhay pa naman sila, di ba?”

Sincerely,

Rene Astudillo, Politikal Pinoy

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s