All posts by Pol Pinoy

Palabas Sa Netflix: Game Of Thrones Ng DDS Vloggers!

Mga kababayan, parang teleserye ang nangyayari sa DDS warriors ngayon—mala-“Game of Thrones” pero budget-friendly! Si Joie de Vivre at Maui Spencer, na parehong kilala sa kanilang talento sa acting bilang “authentic supporters,” ay nagkakasagutan. Ano raw? Bayad na vloggers nag-aaway sa pera? Sa likod ng kanilang masigasig na pag-ikot ng kwento para kay Madam VP, tila merong hokus pokus sa mga donasyon ng supporters sa kanilang EDSA rally. Parang magic show na hindi makuha ng audience ang punchline.

Habang nagbabangayan ang dalawa, parang Netflix night lang ang mga Marcos loyalists—naka-relax, hawak ang San Mig Light, at ngumunguya ng popcorn habang nanonood sa circus na ito. Ang tanong, ano ba ang pinag-aawayan? Confidential funds? O baka naman sino ang mas convincing mag-vlog na kunwari hindi bayad? Tiyak, kahit si Madam VP napapakamot na lang ng ulo. Sino ang tunay na bida? Ah, confidential daw!

Bagong Polymer Na Dalawampung Piso?

Nagulantang ang bayan nang ilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bagong polymer peso bills, kung saan pinalitan ang mga bayani’t presidente ng mga hayop. Aba, parang sinabi na rin nilang mas bagay ang pera sa wildlife kaysa sa legacy ng tao! Pero bago pa maghimutok nang husto ang sambayanan, kumalat ang balita tungkol sa umano’y bagong P20 bill: may imahe raw ng isang orange na pusit, na tila sumasalamin kay Vice President Sara Duterte.

Biglang nanahimik ang mga kritiko. “Wow, finally, representation!” sigaw ng ilan. Ang iba naman, tumatawa sa irony—literal na may squid sa pera habang ang ekonomiya ay parang underwater na rin.

Ang masaya, mukhang mas tanggap ng publiko ang pusit kaysa polymer bills. Siguro kasi mas relatable ang pusit: versatile, colorful, at mahusay umiwas sa responsibilidad—este, sa predator. Sa huli, sabi nga nila, all’s well that ends squid… este, well!