All posts by Pol Pinoy

A Research Firm CEO And A Pro-Duterte Professor Get An “F” For Research!

In an ironic twist worthy of a sitcom, a CEO of a research firm and a professor—titans of intellect and critical thought—found themselves in the crosshairs of online ridicule after calling out the Marcos administration for declaring a Sunday a special non-working holiday. 

Their scorching critique of what they deemed as “pointless politicking” was met with an unexpected rebuttal: a glance at the Official Gazette. Surprise! Not one, but two national holidays were declared on Sundays during Duterte’s administration in 2018. The plot thickens.

One can’t help but marvel at the poetic justice of it all: champions of research caught red-handed for failing to do exactly that—research. It’s a classic tale of “glass houses” meets “throwing stones,” reminding us that irony, much like holidays on Sundays, doesn’t discriminate between administrations. 

Perhaps the real special holiday is the one we take from fact-checking before tweeting, right? Malou Tiquia and Anna Malindog-Uy?

Comelec: Nadismaya Pero Walang Magawa

Ang Comelec, sa kanilang dakilang trono ng pagka-“dismaya,” ay muling naghayag ng kanilang pagka-bigo sa malawakang early campaigning ng mga kandidato para sa 2025 elections. 

Aba, nadismaya daw sila! Parang simpleng pagtaas ng kilay lang ang sagot nila sa taun-taong circus na ito. Pero, sa totoo lang, may silbi ba ang dismayang iyan kung wala namang kongkretong aksyon?

Oo nga naman, sabi ng batas, hindi raw ito paglabag basta’t walang salitang “boto” sa tarpaulin. Kaya, hayaang magkalat ang mga mukha ng kandidato sa billboard na kasing laki ng bahay, may kasamang linya tulad ng “Serbisyo Para Sa Bayan” o “Ingat sa Biyahe” pero nandoon ang kanilang numero sa balota! Wala raw problema roon, sabi nila. Kung ganito rin lang ang sistema, bakit pa mag-abala sa paglalagay ng mga limitasyon?

At huwag nating kalimutan ang mga pasimpleng “vote buying.” May mga kandidato pa nga na nangangako ng lupa o pera kapalit ng boto. Ito kaya, dismayado rin ang Comelec? O baka naman nadadaan lang sa isang “tsk-tsk” at tapik sa balikat. Kung ang batas ay parang lambat na maraming butas, ano pa ang silbi nito?

Comelec, baka panahon na para magising at magbago. Kung hindi, sayang naman ang drama ng inyong dismaya.