Category Archives: Film and TV

Is GMA Network Finally Dropping Vice Ganda?

In a stunning twist of network drama, GMA Network might just be doing the unthinkable: considering a life beyond Vice Ganda on “It’s Showtime.”

Recent promotions conveniently omitted the flamboyant host, sparking wild speculation. Is GMA finally fed up with the reign of wigs and wit? Could they be plotting a revolution of bland predictability?

Surely, the network isn’t daring enough to think viewers can endure noon without Vice’s comedic chaos. Maybe they believe that the show can survive on charm and charisma alone—or perhaps they’re preparing us for a host so average that Vice will look even more indispensable by contrast.

Either way, this move could be GMA’s attempt at high-stakes entertainment, with viewers glued to their seats, not by the usual gags, but by the sheer suspense of wondering, “What on earth are they thinking?” Stay tuned, folks. The real show is just beginning.

Ano Ang Dapat Na Parusa Kay Vice Ganda? (video)

Ulat ni JAKE DON

Ano ang pinaka-angkop na parusa para kay Vice Ganda sa kanyang mga kapalpakan? Simple lang.

Ipadala siya sa isang remote island na walang signal, walang audience, at walang makeup kit. Doon, magpapa-contest siya sa mga ibon at puno habang iniisip kung paano mag-sorry ng tama.

Bawat maling biro, kailangan niyang magtanim ng sampung puno ng saging at mag-alaga ng kambing.

Para sa body-shaming, isang linggong walang salamin at kailangan niyang magsulat ng love letters sa sarili araw-araw. Sa ganitong paraan, matututo siyang maging mas maalalahanin, habang nagiging eco-warrior pa! Perfect, ‘di ba?

Samantala, dapat bang suspindihin ng GMA network o MTRCB si Vice? Pakisagot sa comment section.

Anne Curtis, Kinontra Ang Pahayag Ni Malou Tiquia Tungkol Sa Sirena!

Sa paguulat ni JAKE DON

Manila, Pilipinas — Hindi pinalampas ng aktres at TV host na si Anne Curtis ang pahayag ng kolumnistang si Malou Tiquia tungkol sa kakulangan ng Pilipinas sa isang nation-wide siren warning system laban sa posibleng pag-atake ng Tsina o ibang banyagang mananakop. 

Sinabi ito ni Tiquia bilang pagsalungat sa polisiya ng administrasyong Bongbong Marcos ukol sa alitan sa South China Sea.

Ayon kay Curtis, isang malaking pambabastos ang ginawa ni Tiquia sa manunulat na si Mars Ravelo, ang lumikha ng karakter na si Dyesebel.

“Kung sirena lang ang usapan, kami nila Vilma Santos, Marian Rivera, Ara Mina, Charlene Gonzales, Alice Dixson, Alma Moreno at Edna Luna (sumalangit nawa) na gumanap bilang Dyesebel ang siyang magbibigay ng babala sa buong bansa gamit ang aming mga alindog at popularidad,” ani Curtis. 

Dagdag pa niya, “Bilang mga sirena, kami ang tunay na national warning system. Sino pa ba ang mas magaling magbigay ng babala kundi kami na mismong mga gumanap bilang Dyesebel?”