
Nagulantang ang bayan nang ilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bagong polymer peso bills, kung saan pinalitan ang mga bayani’t presidente ng mga hayop. Aba, parang sinabi na rin nilang mas bagay ang pera sa wildlife kaysa sa legacy ng tao! Pero bago pa maghimutok nang husto ang sambayanan, kumalat ang balita tungkol sa umano’y bagong P20 bill: may imahe raw ng isang orange na pusit, na tila sumasalamin kay Vice President Sara Duterte.
Biglang nanahimik ang mga kritiko. “Wow, finally, representation!” sigaw ng ilan. Ang iba naman, tumatawa sa irony—literal na may squid sa pera habang ang ekonomiya ay parang underwater na rin.
Ang masaya, mukhang mas tanggap ng publiko ang pusit kaysa polymer bills. Siguro kasi mas relatable ang pusit: versatile, colorful, at mahusay umiwas sa responsibilidad—este, sa predator. Sa huli, sabi nga nila, all’s well that ends squid… este, well!