
Ang “Pinagtagpi-tagping People Power sa EDSA” ay tunay na obra maestra ng malikhaing imahinasyon at advanced photo editing skills. Sa dami ng rallyists, tila nagmistulang Where’s Waldo ang mga litrato—na para bang kailangan mo ng magnifying glass para makita kung nasaan sila. Sabi nga nila, pictures don’t lie, pero kung na-edit, na-slice, at na-crop ang mga larawan, aba’y ibang usapan na ’yan.
Ang resulta? Ang crowd sa EDSA ay parang nag-teleport mula drone shot papunta sa PowerPoint presentation. Isa itong tagumpay ng teknolohiya, kung saan kahit ang kulang-kulang ay nagmumukhang “siksikan.” Bravo sa mga “creatives” na kayang gawing grandioso ang kahit anong event gamit lamang ang copy-paste.
Sa panahon ng fake news, nagiging trendsetter ang ganitong klaseng “photo activism.” At ang mensahe? Hindi mahalaga ang dami ng tao basta’t mahalaga ang illusion. Sa bandang huli, hindi rally ang tunay na event, kundi ang editing contest.