Paraan Ng Pagluluto Ng Adobong Pusit Ni Aling Sara

Mag-init ng konting mantika sa isang kawali. Ilagay ang bawang at sibuyas at lutuin hanggang maamoy ang halimuyak.

Idagdag ang nalinis nang pusit at igisa ito hanggang lumabas ang maitim na budhi, este, tinta. 

Idagdag ang puting suka at pakuluin bago ihalo ang toyo sa ulo. Maglagay ng isang dahon ng Banahaw at kalahating kutsarita ng buong paminta. Hinaan ang apoy at hayaang maluto ang adobo naayon sa inyong pagu-ugali, este panlasa.

Hanguin ang adobo at ihain habang mainit-init pa ang inyong ulo. Huwag kalimutan ang sinaing!

Shukran!

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.