Anne Curtis, Kinontra Ang Pahayag Ni Malou Tiquia Tungkol Sa Sirena!

Sa paguulat ni JAKE DON

Manila, Pilipinas — Hindi pinalampas ng aktres at TV host na si Anne Curtis ang pahayag ng kolumnistang si Malou Tiquia tungkol sa kakulangan ng Pilipinas sa isang nation-wide siren warning system laban sa posibleng pag-atake ng Tsina o ibang banyagang mananakop. 

Sinabi ito ni Tiquia bilang pagsalungat sa polisiya ng administrasyong Bongbong Marcos ukol sa alitan sa South China Sea.

Ayon kay Curtis, isang malaking pambabastos ang ginawa ni Tiquia sa manunulat na si Mars Ravelo, ang lumikha ng karakter na si Dyesebel.

“Kung sirena lang ang usapan, kami nila Vilma Santos, Marian Rivera, Ara Mina, Charlene Gonzales, Alice Dixson, Alma Moreno at Edna Luna (sumalangit nawa) na gumanap bilang Dyesebel ang siyang magbibigay ng babala sa buong bansa gamit ang aming mga alindog at popularidad,” ani Curtis. 

Dagdag pa niya, “Bilang mga sirena, kami ang tunay na national warning system. Sino pa ba ang mas magaling magbigay ng babala kundi kami na mismong mga gumanap bilang Dyesebel?”

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.