
Ipinagmamalaki ng PTV ang kanilang bagong palabas, “boboTV,” na pinangungunahan ng kilalang disbarred attorney at Anti-Poverty Czar ng Marcos administration na si Larry Gadon. Inaabangan ng lahat, inaasahang tatapatan nito ang mga sikat na palabas nina Vice Ganda at Tito, Vic, and Joey.
Tampok sa “boboTV” ang mga mainit na paksang tulad ng “haka-haka” (figment of the imagination), Cha-Cha, at ang ekonomiya. Ayon sa PTV, ang show na ito ay maaaring makapasok sa Guinness World Records bilang pinakapinanood na talk show.
Talagang makikita dito kung paano ginagastos nang maayos at tama ng PTV ang pondo ng mga Pilipinong nagbabayad ng buwis. Tunay na makabago at mapanlikha, nagpasya ang network na itampok ang kakaibang talento ni Gadon para sa isang programang siguradong pag-uusapan ng bayan.
Abangan at tumutok sa “boboTV”!